Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Catholic Exorcists, nagpapasalamat sa suporta at panalangin kay Exorcist Priest Fr.Cabading

SHARE THE TRUTH

 4,107 total views

Nagpasalamat ang Philippine Association of Catholic Exorcists at Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa lahat ng suporta at panalangin para kay Dominican Priest Exorcist Fr. Winston Cabading.
Ibinahagi ng grupo na na-reschedule sa August 1 ang pagdinig sa kaso ng pari sa halip na June 1 dahil sa Petition for Review ng Department of Justice bubnsod sa nakitang pagkukulang ng Assistant City Prosecutor ng Quezon City.
Naniniwala ang grupo ng exorcist na ang pagsampa ng kaso kay Fr. Cabading ay isang uri spiritual battle kaya’t hiniling nito sa mamamayan ang maigting na pananalangin upang manaig ang katotohanan.
We see this act against Fr. Winston [Cabading] as a spiritual battle and an attack on our mother, the Church itself and its hierarchy. We thank you for harkening to the call to be one with us in this battle by offering your prayers and acts of mortification,” bahagi ng pahayag ng grupo.
Matatandaang inireklamo ni dating Commission on Elections chief Harriet Demetriou si Fr. Cabading dahil sa paglabag sa Article 133 of the Revised Penal Code partikular ang Offending Religious Feelings bunsod ng pahayag ng pari sa ‘alleged’ Marian apparition sa Lipa Batangas noong 1948.
Dahil dito inaresto si Fr. Cabading noong May 13 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 81 Judge Madonna Echiverri.
Nauna nang pinabulaanan ni Fr. Cabading ang alegasyon ni Demetriou na kilalang deboto ng Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace sa Lipa Batangas at nanindigang ipinahahayag lamang nito ang decree mula sa Congregation for the Doctrine of the Faith na hindi kinilala ang aparisyong nangyari sa Carmelite Convent.
Bunsod ng paglipat sa petsa ng pagdinig pinahintulutan ng korte si Fr. Cabading na bumiyahe s Estados Unidos para dalawin ang mga magulang at babalik ng bansa bago ang Agosto.
Gayunpaman dalangin ng mga exorcist sa bansa ang kaliwanagan ng isip ng mga nang-uusig at mabigyang linaw ang turo ng simbahang katolika.
Please pray for those who oppose us as well so that in time we may be one as the Father desires,” dagdag ng PACE at AMOE.
Sinabi ni Fr. Cabading na pinatatawad na nito ang mga nagsampa ng reklamo laban sa kanya at hinimok ang mananampalataya na basahin ang mga dokumento ng simbahan hinggil sa alleged Lipa Apparition para sa malinaw na discernment.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 6,405 total views

 6,405 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 18,853 total views

 18,853 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 54,027 total views

 54,027 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 61,380 total views

 61,380 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 62,108 total views

 62,108 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

1

Latest Blogs

1