1,418 total views
Nagtutulungan ang mga Katolikong paaralan at institusyon sa Pilipinas upang sama-samang matugunan ang mga kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Ito ang tiniyak ni Jose Allan Arellano – Executive Director ng Catholic Educational Association of The Philippines sa patuloy na pagbangon ng education sector mula sa epekto ng pandemya.
Ayon kay Arellano, sa tulong din ng mga Diyosesis at mga komunidad ay nananatiling matatag ang mga paaralan sa misyon na linangin ang mga kabataan at mapatibay ang kanilang pananampalataya.
“The severe impacts of the problem are cushioned by the schools working together and asserting their identity as mission-oriented institutions. They are mostly not ‘stand alone’ entities, thus, they get supported by others if problems affect them severely,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.
Ang mensahe ni Arellano ay kaugnay sa panghihimok ng Vatican Dicasteries for Culture and Education sa mga katolikong paaralan sa buong mundo na maging malikhain at patibayin ang kanilang mga pagtugon sa mga suliranin na kinakaharap ng education sector sa buong mundo.
“The dwindling enrolment as students continue to be attracted to low cost education and the teachers gravitating towards higher paying state-owned schools affect the stability of many institutions, many of these concerns were already present even before the pandemic but the pandemic worsened their impact,” ayon pa sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Arellano.
Sa datos ng CEAP, umaabot sa mahigit 1,600 ang bilang ng mga katolikong paaralan at insitusyon ang kasapi sa kanilang hanay.
Sa pag-aaral ng Holy See noong August 2022, umabot sa 700 Catholic Schools at institutions ang nagsara dahil sa pagkaluging idinulot ng pandemya.