11,700 total views
Hinimok ng pinuno ng Catholic ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communication ang mga participant ng National Catholic Social Communications Conventions (NCSCC) na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng katotohonan sa kabila ng makabagong teknolohiya.
Ito ang paanyaya ni Boac Marinduque Bishop Marcelino Maralit sa mga nakiisa sa NCSCC 2024 sa Lipa, Batangas.
Aminado ang Obispo na nakakatakot ang pag-usbong ng artificial intelligence o AI ngunit isa ding biyaya kapag ginamit sa tama.
“The challenge is very great for all of us because, the changes are coming and they are already here, sabi nga ng Santo Papa natin it’s a transformational epoch, isang panahon na talagang mababago dahil sa Artificial Intellegence but more than that, all the advances in technology napakalaking bagay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit
Umaasa ang Obispo na sa pamamagitan ng mga matutunan sa convention ay mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok sa wastong paggamit ng Artificial Intellegence o AI sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
Tiwala si Bishop Maralit na nakahanda ang Catholic Social Communicators sa anumang hamon ng makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng ebanghelisasyon.
“Be ready, because the the mission is already here and I believe you are all very capable and gifted by God to make a change and make difference within this world na medyo nakakatakot tingnan but I know with God’s grace can become for a mission and evangilization,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit.
Layuning ng NCSCC 2024 na mapalalim ang kaalaman sa wastong paggamit ng Artificial Intellegence ng mga kalahok na Catholic social communicators