708 total views
Hinihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Diyosesis, Parokya at Religious communities na magsagawa nang pag-aayuno at pananalangin bilang paraan ng paghingi ng tawad sa Diyos sa krisis na kinakaharap ng simbahan.
Sa inilabas na pahayag ni CBCP president, Davao Archbishop Romulo Valles, isa rin itong magandang pagkakataon para muling balikan, suriin at pag-aralan ang umiiral na panuntunan ng simbahan sa pangangalaga ng mga menor-de-edad at mga walang kakayahang lumaban mula sa pagsasamantala.
“The present painful situation is a good occasion for us bishops to revisit and review the existing guidelines that we have for the protection of minors and vulnerable adults, and with renewed resolve and commitment to implement them and not cover them up,” ayon sa pahayag ng CBCP.
Ito ay bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco kaugnay sa ‘sexual abused’ ng ilang mga opisyal ng simbahan maging ang pagtatakip ng ilan sa mga kaso ng pang-aabuso.
“This is something that we can Organize and do in our dioceses and parishes, in our Religious Communities, and in our BEC’s,” ayon sa pahayag ng CBCP.
Read: Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy
Naunang naglabas ng pahayag ang Santo Papa Francisco nang panawagan para sa lahat sa pagbabalik loob sa Panginoon bunsod ng mga ulat ng ‘Clerical Sexual Abused o pang-aabuso hindi lamang sa Estados Unidos, Chile at Ireland.
Sa pagtitipon din nang katatapos na ‘World Meeting of Families’ sa Dublin, Ireland muling humingi ng kapatawaran kasabay na rin ng panawagan sa pagkakaroon ng matatag at mapagpasyang hakbang para sa katotohanan at katarungan laban sa pang-aabuso.