27,464 total views
Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Biblical Apostolate (ECBA) ang bawat isa na higit na bigyang halaga ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Laoag Bishop Renato Mayugba – chairman ng komisyon, kaugnay sa paggunita ng ‘National Bible Month’ ngayong buwan ng Enero partikular na ang National Bible Sunday sa ika-28 ng Enero, 2024.
Ayon sa Obispo, malaking ambag sa paghuhubog ng lipunan ang pagbabasa ng Banal na Kasulatan kaya naman naangkop lamang ng muling paigtingin ng bawat isa ang pagbabasa ng Bibliya bilang gabay sa pagpapanibago at pagbabagong buhay.
“On January 28, 2024 we celebrate in the Philippines the National Bible Sunday kaya itong buwan ng Enero mga kapatid, the beginning of a new year the Church and even civil society invites us to consider the beauty, the wonder of the Word of God.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Mayugba.
Paliwanag ni Bishop Mayugba, naaakma ang tema ng National Bible Month ngayong taon na “The God of Word: The Source of New Life” bilang paanyaya sa lahat na muling makinig at sumunod sa Mabuting Salita ng Diyos.
“During this year the theme that we have adopted in the Biblical Apostolate is “The God of Word: The Source of New Life” bagong buhay it’s a very nice theme because it encourages and invites us all to center your renewal in our lives as Christians by focusing on the Word of God, the source of all wisdom.” Dagdag pa ni Bishop Mayugba.
Taong 2017 nang ideklara ang buwan ng Enero bilang ‘National Bible Month’ sa bisa ng Presidential Proclamation No. 124 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinakda rin ang Huling Lunes ng Enero bilang National Bible Day.
Una ng pinuri ng Simbahang Katolika ang deklarasyon ng pamahalaan ng National Bible Month tuwing unang buwan ng taon kung saan bilang predominantly Christian na bansa ay maituturing itong pagkilala ng pamahalaan sa kahalagahan ng bibliya bilang sentro ng Kristiyanong paniniwala at pananampalataya ng mga Pilipino.