Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency

SHARE THE TRUTH

 1,393 total views

Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang kapayapaan sa paaralan at higit na matuto ang mga mag-aaral.

“Mga minamahal na kapatid sa prayer intention ng Santo Papa na entrusted sa worldwide prayer network para ngayong buwan ng Enero 2023.Ito’y bahagi ng tinatawag na global compact on education na ini-launch ng ating Santo Papa, ano nga ba yung global compact on education? ito ay isang movement to counter the widespread educational emergency, bakit nga ba may educational emergency? dahil siguro sa mga pagkakaniya-kaniya o marahil mga ilang mga kabataan o kababaihan hindi makadalo ng klase o eskwela.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Tinukoy din ni Bishop Presto na mahalagang mabigyan ng sapat na atensyon ang usapin ng kapayapaan sa mga bansang nakakaranas ng karahasan hindi lamang sa seguridad kungdi pati ang diskriminasyon sa mga paaralan.
Ayon sa Obispo, kahanay din ang Monthly Prayer Intention ang pagpapatuloy sa adbokasiya ng Global Compact on Education na isulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan sa pagkakaiisa at pakikipagkapwa-tao.

“Gayundin naman is to safeguard and protect our common home from exploitation of the resources. Itong panawagan ng Santo Papa ay upang magkaisa ang sambayanan at ang sangkatauhan na matuto ang mga bata’t kabataan sa eskwela hinggil sa kahalagahan ng fraternity lalo na yung attitude of inclusion sa halip na exploitation, yung attitude na pagtulong sa mga nangangailangan sa halip na pagwawalang bahala, sa pagbibigay kahalagahan sa mga bata’t kabataan sapagkat pag-asa sila ng bayan.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Batay sa datos ng United Nations International Children’s Emergency Fund, aabot sa 150-milyong kabataang mag-aaral taon-taon ang nakakaranas ng karahasan o pagmamalabis sa kamay ng kapwa nila estudyate.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,951 total views

 16,951 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,051 total views

 25,051 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,018 total views

 43,018 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,190 total views

 72,190 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,767 total views

 92,767 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
12345

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,550 total views

 8,550 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,079 total views

 7,079 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112