165 total views
Nagpahayag din ng pakikiisa sa March for Mary and Filipino family si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippine-Episcopal Commission on Family and Life.
Ipinagdarasal ni Archbishop Garcera na ang “March for Mary and Filipino family” ay magsisilbing malakas na mensahe na ang buhay at pamilya ay sagrado na nararapat ipagtanggol at ipaglaban.
Iginiit ni Archbishop Garcera ang Pastoral Exhortation ng C-B-C-P para sa “Year of Ecumenism,Interreligious and Indigenous People’s na nagsusulong ng dayalogo para sa katahimikan.
“An open,honest, respectful, loving dialogue of life, prayer and action, is the only way towards harmony in the community. At stake are the great values of peace and harmony particularly in the areas of armed conflict, solidarity in the struggle for social change,unity in healing social ills, integrity and social justice in our land”.bahagi ng letter of support ni Archbishop Garcera.
Nanindigan naman si Rizalito David ng Pro-Life Philippines na ang pagkilos ay bilang pagkilala at pagpupugay sa malaking ambag ni Mama Mary sa buhay ng Simbahang Katolika at sa kasagraduhan ng buhay at pamilya.
Matapos ang paglalakad, pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa sa Manila cathedral.
Read: March for Mary and Filipino family, pangungunahan ni Cardinal Tagle