452 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa paggunita ng ‘World Day for Migrants and Refugees’ sa Setyembre.
Ito ay ang panawagan ng Santo Papa sa bawat bansa at kabataan na bigyang pagkakataong maging bahagi ng ekonomiya ang mga migrante at refugees na kanilang tinanggap.
Kaakibat ng pakikiisa ay umapela rin si Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice Chairman ng CBCP-ECMI sa lahat na ipagpatuloy ang paninindigan para sa karapatan,dignidad at ikakabuti ng kalagayan ng mga indibidwal na kinakailangang lumikas mula sa kanilang sariling bansa.
“Our migrants and refugees are our brothers and sisters. Jesus is them, and with them as He said ‘am stranger and you welcome me, with our Holy Father, let us do the same: to protect them and promote their rights and dignity; to welcome them and work for their common good,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Muli ring ipinabatid ni Bishop Santos ang patuloy na pag-aalay ng CBCP ECMI at Stella Maris Philippines ng mga misa upang ipanalangin sa Panginoon ang ikabubuti ng kalagayan ng mga migrants at refugees.
“We at cbcp ecmi and Stella Maris Philippines pray and offer Holy Masses for their safety, strength and security of homes,” ayon pa sa Obispo.
Batay sa talaan ng United Nations, noong 2020 ay umaabot na sa 258-million ang bilang ng mga migrante at refugees sa buong mundo na umalis sa kanilang mga sini-langang bansa nang dahil sa kaguluhan at epekto ng climate ng change.
Naunang ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 163 na kautasan sa pagtanggap ng mga Ukrainian Refugee sa Pilipinas dahil sa digmaang dulot ng pananakop ng Russia sa Ukraine.