259 total views
Umaasa ang Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na mapagtanto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging state visit sa Holy Land ang pagiging tunay na mahabagin, maunawain at mapagmahal ng Panginoon.
Sa mensaheng ipinaabot sa Radyo Veritas ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, inaasahan ng Obispo na maunawaan ni Pangulong Duterte na ang Diyos ay hindi kailanman naging hangal o ‘stupid’ tulad ng kanyang pahayag tungkol sa Panginoon.
“We are CBCP-ECMI pray and hope that with the state visit of our President in Holy Land may he realize that our God is caring and compassionate, gracious with His words and actions for us. He is not a ‘stupid’ God.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Ipinagdarasal din ng CBCP-ECMI ay tuluyang makilala at maintindihan ng Pangulo ang pagsisikap ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng iba’t ibang Pastoral Ministries na makapagkaloob ng serbisyo para sa mga nangangailangan tulad ng paggabay sa mga Overseas Filipino Workers.
“May this state visit to the birthplace of our Faith may lead him to recognize efforts and services of the Catholic Church for pastoral ministries of services and sacrifices for the betterment of our OFWs.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Tiniyak rin ng Obispo ang pananalangin ng mga OFW at ng Filipino chaplaincies sa bansang Israel at Jordan sa tagumpay ng State Visit ni Pangulong Duterte na siyang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na personal na bumisita sa dalawang bansa.
“We have Filipino chaplaincies in Israel and Jordan. Our OFWs pray and offer Holy Masses for the safe and successful state visits of president Duterte.” pagtiyak ni Bishop Santos.
Naunang pinuri ng kumisyon ang pagbisita sa kauna-unahang pagkakataon ng Pangulong ng Pilipinas sa Israel at Jordan partikular na ang pakikipagpulong sa mga Filipino community sa dalawang bansa.
Read more: