1,907 total views
Nagpaabot ng suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa programang pang-edukasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo.
Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon, kahangga-hanga ang programang pang-edukasyon ng BJMP katuwang ang Department of Education bilang isa sa mga pangunahing programang pangrehabilitasyon para sa mga bilanggo.
Pagbabahagi ng Obispo ang pagkakaloob ng Alternative Learning System (ALS) ng BJMP at maging ng Bureau of Correction ay nakapagdudulot ng panibagong pag-asa para sa mga bilanggo na nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral maging sa loob ng piitan.
“The Alternative Learning System (ALS) is indeed one of the flagship rehabilitation programs of BJMP in the jails. It’s a very laudable initiative in cooperation with the DepEd. It’s also being done in BUCOR but not as intensive as that in BJMP. It gives hope to the PDLs especially those who are unlearned as they have a chance to learn basic education (3Rs) and have a government certification while in detention.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.
Umaasa naman ang Obispo na higit pang paglaan ng pondo ng pamahalaan ang programang pang-edukasyon sa mga piitan upang bigyan ng pagkakataon ang mga bilanggo na makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang pagkakasalang nagawa sa buhay.
“We just hope they will inject more government funds for it. At the Manila City Jail, they built a building for it. And so we at the CBCP ECPPC in particular, are very supportive of this program.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.
Matatandaang sa naganap na pagdiriwang ng 32nd BJMP Anniversary ay ibinahagi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief, Jail Director Ruel Rivera, DSC, na umaabot na sa 75,401 bilanggo ang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya sa mula taong 2016 hanggang 2022 sa ilalim ng ALS Program na nakapaloob sa programang Tagapangala Ko, Guro Ko ng BJMP.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang mga prisinto at mga piitan ay hindi dapat na magsilbing tapunan o lagakan sa mga nagkamaling indibidwal sa halip ay lugar kung saan muling maiaangat ang kanilang dignidad at kalagayan para sa muling pagbabalik ng kabutihan sa kanilang mga puso’t isipan.