335 total views
Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na suriing mabuti ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ngpinaka-naangkop na sistema ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.
Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng kumisyon kaugnay sa inanunsyo ng CHED na patuloy na pagpapatupad ng flexible learning sa mga susunod na taon para sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad.
Ayon sa Pari, bagamat tiwala ang kumisyon na dumaan ang naturang desisyon sa pagsusuri ng kagawaran ay hindi naman dapat na maisantabi ang iba’t ibang sitwasyon o kalagayan ng mga mag-aaral sa pagdidesisyon kaugnay sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Iginiit ni Fr. Garganta na may iba’t ibang salik na dapat ikonsidera ang kagawaran tulad na lamang ng kakayahan ng ilang mga mag-aaral na ganap at epektibong makasabay sa Flexible Learning System.
“As with the pronouncement from CHED, I am certain a careful assessment was made which led to the decision to continue with the Flexible Learning System. Only that, I think there is the need for a commitment from CHED to do a periodical assessment of the situations and conditions that paved the implementation or adaption of the Flexible Learning System. I hope all the factors are carefully look into.”pahayag ni Fr. Garganta sa Radio Veritas.
Matatandaang dahil sa restriksyon na dulot ng COVID-19 pandemic noong nakalipas na taon ay pansamantalang ipinagbawal ang face-to-face classes at ipinatupad ang flexible learning system sa mga mag-aaral na ipagpapatuloy ang implementasyon sa mga kolehiyo at mga pamantasan.
Matapos umani ng mga pagbatikos ang naturang pahayag mula sa iba’t ibang youth groups sa bansa ay nilinaw ni De Vera na saklaw ng flexible learning policy ng komisyon ang kombinasyon ng face-to-face classes, modular at online learning ng mga mag-aaral.
Sa kasalukuyang may 64 na higher education institution ang pinahihintulutan na makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes para sa medicine at allied health courses lamang.
Sa panlipunang turo ng Simbahan, kinakailangang kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro, mag-aaral at maging sa kakayahan ng mga magulang na pawang mahahalagang salik sa pagkakaroon ng mas epektibong sistema ng edukasyon sa bansa.