173 total views
Nawa ay maging ligtas ang lahat at patuloy na bigyang kalakasan ang mga naghahatid ng tulong at naglilikas ng mga residenteng apektado ng malakas na bagyong Ompong.
Ito ang panalangin ni Davao Archbishop Romulo Valles-Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa patuloy na pananalasa ng bagyo sa hilagang Luzon partikular na sa Cagayan at Isabela.
“And may the Lord keep the hearts and bodies of those of us who are engaged in the difficult task of preparing and delivering relief goods and assistance, those doing medical help, those who join in Rescue Operations, strong and optimistic,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.
Inaasahan ng Arsobispo na ang pagmamalakasakit sa kapwa ay magsilbing lakas ng bawat isa laban sa hagupit ng bagyo.
“May their presence among those who are suffering because of this calamity bring hope and strength,” ayon kay Archbishop Valles.
Sa kasalukuyang nakataas na ang signal no 4 sa: Ilocos Norte, Cagayan, Northern Isabela; Apayao; Abra; Kalinga at ang Babuyan Islands.
Nakataas din ang babala ng bagyo sa nalalabing bahagi ng Luzon habang nakakaapekto naman ang pinaigting na habagat ang Visayas at Mindanao.
Una na ring tiniyak ng Caritas Manila ang paghahatid ng tulong sa higit na apektadong diyosesis.
Kabilang na dito ang Prelatura ng Batanes; Arkidiyosesis ng Tuguegarao, maging sa diyosesis ng Laoag, Tabuk at Ilagan upang kagya’t na makapaghatid ng tulong sa mga residente dahil sa bagyong Ompong.
Read: Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong
Read: Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers
Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, nakahanda na ang isang milyong piso bilang inisyal na tulong.