333 total views
Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco.
Ito ang pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles matapos ma-ospital ang Santo Papa at sumailalim sa operasyon sa colon diverticulitis.
“On behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, I enjoin everyone to pray to the Lord and beg for our Blessed Mother’s intercession for the speedy recovery of Pope Francis,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.
Tiniyak naman sa pahayag ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office na nasa mabuting kalagayan si Pope Francis matapos ang operasyon.
Inalala ng CBCP ang pagbisita noon ng Santo Papa sa Pilipinas upang ipadama ang pagmamahal sa mga Filipino lalo na sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas.
Dahil dito hinikayat ni Archbishop Valles ang mananampalatayang Filipino na patuloy ipanalangin ang Santo Papa bilang pagpapakita ng pagmamahal sa pinunong pastol ng simbahang katolika.
“We remember his beautiful and very inspiring Apostolic Visit to our country in 2015. We continue to feel his love for the Filipino people. In this particular time, let us show our love and affection for him. Let us pray together – clergy, religious and consecrated persons, our covenanted communities, our lay faithful, – for the complete recovery of Pope Francis,” ani ng arsobispo.
Matatandaang Hulyo 4 nang isugod sa Gemelli Hospital sa Roma si Pope Francis para sa operasyon. Nagpaabot din ng panalangin ang iba’t ibang grupo, organisasyon at mga indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig para sa agarang paggaling ng Santo Papa.