196 total views
Magpupulong ngayon ang permanent council ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) kaugnay sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng Radyo veritas kay Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP Health care, sinabi nito na maaaring madagdagan ang dalawang naunang guideline na inilabas ng komisyon.
“‘Yung dalawang guidelines na nirelease namin, madaragdagan pa iyun [dahil] may meeting ang permanent council,”ang pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.
Patuloy pa rin ang panawagan ng CBCP Healthcare na sunduin ang mga panuntunan ng simbahan at ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay sa pag-iingat sa sakit.
Naglabas din si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ng pastoral statement on COVID 19.
Read: Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa
COVID 19, malulupig ng sama-samang pagdarasal at pag-iingat
Una nang humiling si Healing Priest Rev. Fr. Joey Faller sa mga mananampalataya na patuloy na paigtingin ang panalangin laban sa kumakalat na coronavirus disease.(Cindy Gorospe)