206 total views
Nangangamba ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Worker sa Hongkong.
Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng mga raliyista at pamahalaan na nagsimula noong Marso.
Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nawa ay tuwinang nasa ligtas na kalagayan ang mga OFW.
“Keep them all safe and away from any form of harm. May they remain steadfast in what they are called to do. We pray that their jobs remain secure so that they may continue to fulfill their goals in working abroad,” ayon kay Bishop Santos.
Tinatayang may 130 libong mga Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Hongkong.
Kalakip din ng panalangin ng obispo ang payapang resolusyon sa kaguluhan at matigil na ang karahasan.
“O merciful God and loving Father, we come into your presence and pray for peace in Hong Kong. We implore that You shed your light so that violence in their land may come into an end. Help establish peace despite opposing views,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Una na ring nagkaroon ng serye ng protesta sa Hongkong dulot ng extradition bill na layunin ay ikulong at litisin ang mga lumalabag sa batas sa Mainland China.
Bagama’t binawi na ang panukala ay patuloy pa rin ang mamamayan ng Hongkong.
Kabilang din sa kahilingan ng mga nagpoprotesta ang pagpapatupad ng Universal Suffrage, imbestigasyon hinggil sa isyu ng police brutality at ang pagbawi ng kaso laban sa mga inaresto dahil sa protesta.
Ang Hongkong ay dating bahagi ng British colony na ibinalik sa China na may hiwalay na polisiya at legal system kabilang na dito ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon.
Subalit sa taong 2047 ay opisyal ng magiging bahagi ng China ang Hongkong.