690 total views
Nababahala ang migrants’ ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong kaugnay sa pagdami ng kaso ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lugar.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon kinakailangang magtulungan ang mga Filipino para sa kapakanan ng mga OFW sa Hong Kong na labis naapektuhan ng pandemya at pinabayaan ng mga employers.
“It is now, very urgent and so necessary to assist and to help our OFW in Hong Kong. With this COVID-19 surge there, all are impacted. It was very difficult and dangerous situations for all, for our own OFWs especially those who have been left on their alone by their employers or those who have no permanent place to stay or has no families to take care of them,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sinabi ng opisyal na tayong mga Filipino ang kauna-unahang dapat na tumanggap sa mga OFW na tinanggal sa trabaho makaraang magpositibo sa COVID-19 lalo na’t ilan dito ay nagpapagaling lamang sa labas ng mga pagamutan at mga parke.
Binigyang-diin ni Bishop Santos na ito ang pagkakataong lingapin ng mamamayang Filipino ang mga OFW na malaki ang naitulong sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng remmitances.
“In this time of medical needs and labor uncertainty, let us extend to the maximum our material and financial assistance; To help them is our great service to them. It is our sign of gratitude for the good they have done and continue to do for our country. It is our time and turn to do charity, to be compassionate and to be concern with their wellbeing,” ani Bishop Santos.
Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas kay Father Jay Francis Flandez, SVD, Chaplain to the Filipino Catholics in Hong Kong tiniyak nitong kumikilos ang mga Filipino missionaries sa lugar para tulungan ang mga OFW sa kasalukuyang sitwasyon.
Bukod pa rito nanawagan din si Dolorez Pelaez, chairperson ng Migrante Hongh Kong sa pamahalaan sa Pilipinas na gumawa ng hakbang para sa 60 OFW na dinapuan ng karamdaman.
Ayon naman sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong dalawang Filipino domestic helper ang tinanggal sa trabaho dahil sa virus habang mahigit 30 ang nasa pagamutan nagpapagaling.
“Extend all the necessary ways and means for their cure against COVID-19. Assure their families here that all government offices are doing everything to protect them, to heal them and to promote their labor and human rights,” apela ni Bishop Santos sa pamahalaan.
Patuloy na ipinapanalangin ng simbahan ang mga OFW at umapela sa mga Filipino chaplainces na maglaan ng mga misa para sa kagalingan at kaligtasan ng mga Filipino sa banta ng nakahahawang sakit.