7,157 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Confrence of the Philippines – Office on Women sa mga kababaihang nasa kanayunan na katuwang sa pagpapalago ng agrikultura at ekonomiya ng bansa.
Inihayag ni Marichi Lucero-De Mesa Executive Secretary ng CBCP Office on Women ang pagkilala sacpaggunita tuwing October 15 ng International Rural Women’s Month upang alalahanin ang mahalagang tungkulin ng mga kababaihang nasa nayon o rural areas.
Ayon kay De Mesa, mahalaga ang tungkulin ng sektor dahil sila ang nagpapatatag sa komunidad,pamilya at nagtataguyod sa pagpapaunlad ng agrikultura.
“As we celebrate International Rural Women’s Day, today, October 15, 2024, we honor and thank God for the strength, resilience, care and dedication of all women in rural communities worldwide especially here in the Philippines, Rural women sustain families and individuals, young and old, and help nurture and uphold the dignity of creation in their communities. We stand beside and amongst all rural women because of their indispensable and daily role in building a truly just, loving and compassionate society and in maintaining a safe home for everyone,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni De Mesa.
Panalangin De Mesa na higit pang bigyang suporta at protektahan ang mga kababaihan sa kanayunan.
Tiniyak rin ng Opisyal ng CBCP-Office in Women ang patuloy na pananalangin, pag-aalay ng misa at paghingi ng paggabay sa Mahal na Birheng Maria para sa mga kababaihang nasa kanayunan.
“As Catholic women, we pray, encourage and support rural women while they continue to tirelessly serve their families and communities, drawing strength from Christ, and his Church under the loving guidance of Our Blessed Mother, the epitome of the ideal rural woman,” bahagi pa ng ipinadalang mensahe ni De Mesa sa Radio Veritas.
Tema ngayong 2024 ng International Rural Women’s Day ay “Rural Women Sustaining Nature for Our Collective Future: Building climate resilience, conserving biodiversity, and caring for land towards gender equality and empowerment.
Sa Pilipinas, ayon sa datos ng International Labour Organization o ILO noong 2022, umabot na sa dalawang milyon ang mga kababaihan sa kanayunan na nagtatratrabaho sa mga sakahan at nagtatanim ng ibat-ibang ng gulay para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.