379 total views
Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga pinuno ng bansa lalu na ang mga nanindigan para sa katarungan ng higit na nakakarami sa kabila ng naranasang krisis na dulot ng pandemya.
“May it teach us to rise above personal and political loyalties and make us redirect all our efforts towards the common good,” ayon pa sa pastoral statement na nilagdaan ni CBCP-acting president Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Sa inilabas ng pastoral statement, naninindigan ang CBCP sa pagtutol sa mapaniil na batas na mabilis ding ipinasa sa dalawang kapulungan ng kongreso sa kabila ng mga pagtutol ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Nangangamba rin ang mga dalubhasa sa batas na mapanganib ang Anti-terror law dahil sa mga probisyon nito na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas at banta sa pangunahing karapatan at kalayaan ng mga Filipino.
“And yet in government and their allies have dismissed these fears as unfounded. The assurance that they five sounds strangely parallel to that which the Chinese government gave to the people of Hongkong: “Activism is not terrorism. You have no reason to be afraid if you are not a terrorist,” ayon pa sa pastoral statement.
Ilang mga pagkakataon na rin ayon kay Bishop David na kabilang sa mga inakusahan bilang mga komunista ang mga nagsusulong ng pagbabago at mga usaping panlipunan.
Kabilang na dito ang mga pari, Obispo at mga relihiyoso na kinasuhan ng libel at sedition, maging ang mga napaslang sa mga police operations dahil pinaghihinalaang kriminal o sangkot sa ilegal na droga.
At sa kabila ng suliranin na kinakaharap ng bansa sa krisis na dulot ng pandemya ay mas inuna pa ng mga lider ng pamahalaan ang pagpapasara ng pinakamalaking TV Network sa bansa.
“Is it not evident to us how to this pattern if intimidation creates an athmosphere detrimental to the freedom of expression in our country.”
Ang mga pangyayaring ito ayon kay Bishop David ay tila maikukumpara rin sa nangyari sa bansa noong panahon ng dating Pangulong Marcos na naganap sa loob ng 14-na taon.
Umaasa naman ang Obispo na nanatiling buhay ang pag-asa ng bansa sa mga indibidwal, mga eksperto at nanindigan na ipaglaban ang pagmamahal sa bayan kabilang na ang iba’t ibang grupo na nagsumite ng walong petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act.
“We could only wish that there would be more of them. That they are an important element to the strengthening of our government institutions, and are an essential key to a stable and functional democratic system,” ayon pa sa pahayag.
Una na ring humingi ng panalangin si Myanmar Cardinal Charles Bo sa CBCP para sa mamamayan ng Hongkong dahil na rin sa ipinatupad ng National Security Law kung saan hindi rin naiiba sa kalagayan ng mamamayan sa Pilipinas dahil sa Anti-Terrorism Act of 2020 na simulang ipatutupad ngayong araw.