234 total views
Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya (CBCP) na magkaisa sa pananalangin para sa mga lingkod ng simbahang inuusig dahil sa paninindigang itaguyod ang katotohanan sa lipunan.
Sa inilabas na pahayag ni CBCP-president, Davao Archbishop Romulo Valles, hinikayat nito ang lahat ng mga diyosesis sa bansa na ilakip sa mga panalangin ang mga Obispo at Pari na kabilang sa sinampahan ng kasong sedisyon.
“Let us be in solidarity with them in prayer. Let us invite our priests, our religious, our people to join us in this solidarity prayer,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.
Ayon sa arsobispo, ito ay bilang pakikiisa upang maipadama ang suporta at malasakit ng sambayanan sa kanilang kinakaharap na pagsubok.
“Let us pray for them, our brother bishops, and beg the Lord to let them feel that they are indeed his beloved disciples and that they are beloved to us, their brother bishops,” ayon pa kay Archbishop Valles.
Kabilang sa tinukoy ng Arsobispo ang mga misa sa kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo na ipagdiriwang ng Simbahang Katolika sa ika-6 ng Agosto at sa paggunita ng dakilang kapistahan ng Pag-akyat sa langit ng Mahal na Birheng Maria sa ika-15 ng Agosto.
“Let us entrust tem to the maternal protection of the Mother of God, the Mother of Jesus, and who is our Mother too,” ayon kay Archbishop Valles.
Naglabas naman ng Panalangin ng Bayan ang Arkidiyosesis ng Maynila na babasahin sa lahat ng misa tuwing Linggo sa buong buwan ng agosto na magsisimula bukas ika-4 ng Agosto ang kapistahan ni St. John marie vianney ang patron ng mga pari.
Read: Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan
Una nang nanawagan si Bontoc Lagawe Bishop Valentic Dimoc sa mananampalataya lalu ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC) na magsagawa ng solidarity prayer para sa mga pastol ng simbahan.
Read: Time to respond!
Iginiit ni Bishop Dimoc na pinagpapala ang mga iniuusig at maling pinaparatangan dahil ang mga ito ay tatanggap ng gantimpala sa kalangitan.
Kabilang sa 35 indibidwal na nahaharap sa kasong sedisyon sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop – Emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva at Fr. Albert Alejo.
Itinakda ng pamahalaan sa ika-9 ng Agosto ang isasagawang preliminary investigation hinggil sa isinampang kaso at tiniyak ng Department of Justice na magkaroon ng patas na pagdinig.