353 total views
Naglathala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng partikular na panalangin para sa nakatakdang halalang pang-Barangay.
Nasasaad sa panalangin ang paghingi ng gabay sa Panginoon upang bigyan ng katalinuhan ang mga botante na maghalal ng mga karapat-dapat na lider ng pamayanan na magsisilbi ng may katotohanan, katarungan at para sa pagpapaunlad ng dignidad ng mga mamamayan.
Bukod dito, bahagi rin ng naturang Panalangin para sa Halalang Pang-Barangay ang pagkakaroon ng malalim na pag-unawa ng bawat isa sa mga katangian kinakailangang taglayin ng mga opisyal na dapat na mamuno sa bawat barangay kabilang na ang pagiging boses at tulay para sa mga mahihirap, mahihina at inabanduna sa pamayanan.
Ang naturang panalangin ang nakatakdang simulang sambitin sa bawat misa simula ika-6 hanggang ika-13 ng Mayo sa bahagi ng Panalangin ng Pakikinabang.
Ang Panalangin para sa Halalang Pang-Barangay ay inilathala sa tatlong wika o bersyon na English, Tagalog at Cebuano.
Kaugnay nito magsisimula ang Campaign Period para sa Halalang Pambarangay sa ika-4 hanggang ika-12 ng Mayo.
Nauna namang tiniyak ng Commission on Elections ang kahandaan ng ahensya upang pangasiwaan ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung saan kinakailangang maghalal ng 1-Kapitan ng Barangay at 7-Kagawad habang para naman sa Sangguniang Kabataan ay kinakailangan ring maghalal ng 1-SK Chairman at 7-nitong Kagawad.
Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.
Ang Region VIII (Eastern Visayas region) ang may pinakamaraming barangay sa bansa na umaabot sa 4,390, sumunod dito ang Region VI (Western Visayas) na may 4,051 barangay, at ang Region IV-A (Calabarzon) na 4,011.
Pinakakaunti naman ang bilang ng barangay sa Region XI (Davao region), na may 1,162 barangay. Sinundan ito ng Region XII (Soccsksargen) na may 1,194 barangay at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 1,176.
Please see attached :