31,488 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission for Interreligious Dialogue Chairman, Marawi Bishop Edwin de la Peña, kaisa ng mga Muslim ang mga Kristiyano’t Katoliko sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan.
Ibinahagi ng Obispo na bilang pakikiisa ay inilunsad ngayong taon ang Duyog Ramadan Program na pakikilakbay ng mga Kristiyano sa mga Muslim sa paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay, matinding pananalangin at pagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap sa lipunan.
“In solidarity with them and in our efforts to deepen our appreciation of the spiritual values that are common to both of our communities, we are also launching our Duyog Ramadan program, of Christians accompanying Muslims in their observance of fasting, intense prayer and extending help to the poorest among them.” Pagbabahagi ni Bishop de la Peña.
Nanawagan din ang Obispo sa mga Pari at mga lingkod ng Simbahan na talakayin ang diwa at layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan upang maunawaan ng mga Katoliko at mas nakararami.
Nagpaabot rin ng panalangin si Bishop de la Peña para sa kapakanan ng mga Muslim at pagkakaroon ng pagkakaisa ng lahat para sa pagsusulong ng ‘common good’ o ng kapakanan ng mas nakararami, pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng pangkabuuang kapayapaan sa lipunan.
“My dear brother-priests, please speak about it in your homilies during Ramadan and think about possibilities for communal action to promote the common good, care for the earth, and build peace through dialogue of life and faith.” Dagdag pa ni Bishop de la Peña.
Nagsimula ang Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim noong ika-12 ng Marso, 2024 na inaasahan namang magtatapos sa ika-10 ng Abril, 2024.
Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko