11,710 total views
Nagpaabot ng pakikiramay si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa naiwang pamilya ng tatlong Overseas Filipino Workers na namatay sa malawakang pagbaha sa Dubai.
Ayon sa Obispo na siya ring Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), nawa makamit ng kaluluwa ng mga namatay na O-F-W ang kapayapaan kasama ang kanilang mga pamilyang nagluluksa matapos ang insidente.
“Three overseas Filipino workers, two female and one male, tragically lost their lives because of the severe flooding that hit Dubai. Let us pray for the repose of their souls along with the others who perished from this calamity. Let us also lift up in prayers their grieving families in this time of great loss. May God’s love bring them comfort and peace,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino ang pakikiisa sa CBCP-ECMI sa pananalangin para sa mga OFW at kanilang pamilya.
Ipinanalangin din ng Obispo ang paghupa ng tubig baha at kaligtasan ng mga mamamayang naninirahan sa Dubai upang ilayo sila ng Panginoon sa anumang kapahamakan.
“God has dominion over everything. He has authority, command, and control over all things created. Therefore, let us respond by putting our faith in God alone, Let us pray unceasingly and full of hope. Let us beg our almighty God in His mercy and power to pacify the rain, drain the water, and grant strength to His people affected by this flood. With our trust and faith in God let us implore our Lord Jesus to still again our nature with His assuring words “be quiet, it is I ” (Mark 4:39).” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
April 18 nang makumpirma ng Department of Migrant Workers na tatlong Pilipino ang nasawi sa Dubai matapos ang pagbaha.
Kasabay ito ng paghahanda ng mga relief good at iba pang uri ng tulong na ipapadala para sa mga OFW na lubhang naapektuhan ng sakuna.