1,663 total views
Nakiramay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga naiwang pamilya ng pumunaw na Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.
Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos –Vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na katangi-tangi ang naging paglilingkod ng opisyal sa ikabubuti ng Overseas Filipino Workers (OFW).
Tiniyak rin ng Obispo na naisabuhay ni Ople ang adbokasiya ng amang si dating Senate President Blas Ople na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga OFW
“It is sad news, a very sad occasion especially for our OFWs, her heart is completely for them, her whole life is for our country, she serves well, doing all sacrifices for best of our nation and utmost welfare of our people, we lost a hero, yet her legacy as of her father, Blas lives on,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Santos.
Ibinahagi rin ni Bishop Santos ang pag-aalay ng misa at pananalangin ng CBCP-ECMI at Diyosesis ng Antipolo para sa kaluluwa ni Secretary Ople.
Kasabay din ito ng patuloy na pakikiisa sa naiwang pamilya ng kalihim at pagsusulong sa ikabubuti ng kapakanan o sitwasyon ng mga OFW at Migrante sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
“We, at cbcp ecmi, pray and offer our Holy Masses for her eternal rest, she now goes home to God, residing peacefully in Heaven, we are one with our OFWs and her family in this moment of sorrow and bereavement, our prayers and holy Masses,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
July 2022 ng maitalaga si Susan Ople bigang bagong kalihim ng DMW sa ilalim ng administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.