272 total views
Nagpa–abot ng pakikiramay ang CBCP – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrant and Itinerant Peoples sa pagpanaw ni “Irma” isang kasambahay sa Riyadh, Saudi Arabia na nakaranas ng sexual abuse mula sa kanyang amo.
Ayon Kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, humihingi ito ng katarungan upang tuluyang matukoy at mahuli mismo ang gumawa ng pang – aabuso kay Irma.
“Our hearts are rent again by the deeply saddening news of the death of our kababayan Irma who was brutally raped in Saudi. Her noble intention to be an OFW to be able to provide for the needs of her family and loved ones and uplift their life has turned to tragedy. We in the CBCP ECMI condemn her violent rape and murder and seek justice,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Nanawagan rin si Bishop Santos sa Department of Labor and Employment o DOLE na imbestigahan ang recruitment agency na nag – recruit kay Irma na sampahan ito ng kaso dahil hindi nito siniguro ang kaligtasan ng kanilang kliyente.
“We ask our DOLE to investigate the recruitment agency and make them criminally accountable, to prosecute them. It should be noted that the first task of our Philippine embassies is to protect our OFW, to fight for human and labor rights, and to take good care of them. A female Filipino household service worker in Riyadh, Saudi Arabia has drifted into comatose condition after suffering assault and sexual abuse,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Magugunita na nitong Hulyo lamang tumungo si Irma sa Saudi ngunit wala pa mang isang buwan ay naging biktima na siya ng pang – aabuso at ilang araw na nakomatose bago ito tuluyang pumanaw.
Nabatid na halos 11 libo pang mga OFWs ang na – stranded pa rin hanggang ngayon sa Saudi na nawalan rin ng trabaho.