2,169 total views
Nagtalaga ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng Vice-Rector at Oeconomus sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma.
Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, itinalaga ng CBCP si Fr. Marvin Tabion mula sa Archdiocese of Jaro bilang katuwang sa pangangasiwa sa tinaguriang ‘Home in Rome’ng mga paring diyosesano na nag-aaral sa Roma.
“Fr. Marvin will assist the Rector and take charge of the Collegio’s material, personnel and financial concerns,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.
Ang 45-taong gulang na pari na 15 taong naglingkod sa simbahan ay nagtapos ng kanyang Licentiate in Leadership and Management sa Pontificial Gregorian University in Rome.
Malugod na tinanggap ni Fr. Gaston kasama sina PCF Spiritual Director Fr. Andrew Recepcion ng Archdiocese of Caceres, mga pari, madre at laykong naninirahan sa Pontificio Collegio Filippino ang pagtalaga ng CBCP kay Fr. Tabion.
Ang appointment letter ay nilagdaan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines batay na rin sa rekomendasyon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino.
Taong 1961 nang basbasan ni St. John XXIII ang PCF kung saan habilin nitong maging lugar ng paghuhubog ang gusali para sa higit na paglago ng karunungan na makatutulong sa misyon ng bilang pastol ng simbahan sa Pilipinas.