343 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng Diyosesis ng Borongan sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo ng Pilipinas.
Inihayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa kanyang video message ang panalangin na magdulot ng paglago ng pananampalataya ang paggunita sa makasaysayang pagdaong ng mga Espanyol sa isla ng Homonhon sa Eastern Samar.
“In the name of the CBCP, I congratulate all of you and join you in prayer and thanksgiving to the Lord; may today’s celebration be truly meaningful and joyful and touching your hearts and minds to realize that we especially you here in Homonhon are gifted to give,” bahagi ng video message ni Archbishop Valles.
Ayon kay Archbishop Valles, si Ferdinand Magellan ang naging instrumento upang maihayag sa Pilipinas ang pananampalatayang kristiyano na pinalaganap ng mga misyonero.
Sinabi ng arsobispo na dapat ipagpasalamat ng mga Pilipino ang kaloob na pananampalataya na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na tinatamasa ng mahigit 80-porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.
Ilang aktibidad ang isinagawa sa Homonhon Island gaya ng pagtatanim ng limandaang punong kahoy bilang pakikiisa sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan.
Naunang nagpaabot ng pagbati si CBCP Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mga mananampalataya ng Diocese of Borongan.
Read: https://www.veritas846.ph/opisyal-ng-cbcp-nagpaabot-ng-pagbati-sa-mamamayan-ng-eastern-samar/