174 total views
Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) na may mga matatanda at mga may sakit ang mapapalaya sa piitan ng National Bilibid Prison at iba pang piitan sa bansa.
Ayon kay Rudy Diamante, Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang panawagan ay kaugnay na rin sa nakatakdang pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week kasabay na rin 30th Prison Awareness Week na ginugunita ng Simbahang Katolika.
Sinabi ni Diamante, maraming mga nakakulong na pawang mga matatanda, mga may sakit at nagsilbi na ng higit sa 20 taon sa kulungan ang kanilang mga isinumiteng pangalan sa Bureau of Pardon and Parole.
“May sinubmit namang listahan ang Bureau of Pardons and Parole, ang alam ko mga 90 para sa mga sick, old at tsaka those who served 20 years or more na sana para mapalaya naman. Of course ang maximum stay sa New Bilibid Prison o kaya any correctional institution ay 30, pero bakit mo pa paabutin ng 30 kung naka-serve na ng 20 at nag-undergo na ng rehabilitation, puwede mo nang palayain,” ayon kay Diamante.
Tema ngayong taon nang pagdiriwang ang “Your Love is my Life and Salvation” na gugunitain simula October 23 hanggang 29, 2017.
Hinikayat din ni Diamante ang mga mananampalataya na ipahayag ang kanilang pagmamahal sa Diyos, lalo na sa mga dukha, nangangailangan at maging sa mga nakakulong sa piitan.
“We urge the faithful to concretely express the love of God, no matter how difficult by choosing to love the least, the last and the lost –the prisoners who are our brothers and sisters in prison. So the CBCP-EPPC will lead the celebration nationwide and its unit will be coming out with their respective activity,” ayon kay Diamante.
Ilan sa mga programa ay ang mga sumusunod:
October 23, Monday Mass & Fellowship of CBCP Family, Volunteers and Correctional Workers with lunch at the CBCP at Intramuros.
Misa ganap na 11 ng umaga sa Oct. 27, Friday, Solidarity with Prisoners at the NBP Medium Security in Muntinlupa City.
Misa dakong 9AM at early lunch sa may 200 prisoners sa Oct. 28, Saturday na susundan ng solidarity sa babaeng bilanggo ng CIW sa Mandaluyong.
Banal na misa ganap na 9:30AM at tanghalian kasama ang 250 bilanggo sa Oct. 29.
Sunday National Celebration at Gawad Paglilingkod sa Sta. Cruz Church na susundan ng Gawad Paglilingkod Award.
Pangungunahan naman ni CBCP ECPPC chairman Bishop Pedro Arigo ang mga misa kaugnay sa pagdiriwang ng mga misa para sa inilahad na programa hinggil sa paggunita ng ika-30th Prison Awareness Week.
Naunang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagsusumikap ni Pope Francis na maipadama sa mga bilanggo ang awa at habag ng panginoon.