11,770 total views
Dulot na rin ng patuloy na nararanasang init ng panahon, hinimok ng Catholic Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-usal ng Oratio Imperata upang hingin ang pagkakakaroon ng ulan.
Ang Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ay paanyaya para sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang matinding init dulot ng El Niño Phenomenon.
Ayon sa CBCP-Episcopal Commission on Liturgy ang panalangin ay uusalin kahalili ng Panalangin ng Bayan sa lahat ng mga idaraos na misa.
ORATIO IMPERATA AD PETENDAM PLUVIAM
God, our loving Father,
Creator of our earth and of the universe
and of all the wondrous elements of nature that sustain your living creatures,
we humbly ask you to grant us relief from the extreme heat that besets your people at this time, disrupting their activities and threatening their lives and livelihood. Send us rain to replenish our depleting water sources, to irrigate our fields, to stave off water and power shortages and to provide water for our daily needs.
At your command the wind and the seas obey. Raise your hand, Almighty God,
to avert the continuing rise in temperatures so that your people can engage in productive undertakings and our young people can pursue learning in tranquility and comfort.
Merciful and generous God,
open our eyes to the richness and beauty of your creation and instill in us a deep love for this earth and all that is in and around it.
Teach us to be wise stewards of your creation so that we may always use them responsibly and protect them from abuse and exploitation. At this time of crisis, dear Lord,
move us to share more, to serve more and to love more.
Loving God, Father of our Lord Jesus Christ, you entrusted the Filipino people
to the special care of Mary our Mother, listen to the prayers that we bring up to her, our Blessed Mother, to intercede for us, for the protection of our land and our people, whom she loves.
Grant this through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, God, for ever and ever. Amen.
Our Lady of Guadalupe, pray for us.
Saint Rose of Lima, pray for us.
Saint Lorenzo Ruiz, pray for us.
Saint Pedro Calungsod, pray for us.
========
Ama naming mapagmahal
na lumikha ng sangkalupaan at sanlibutan
at ng mga kahanga-hangang kalikasan
na dinadaluyan ng buhay ng Iyong mga nilikha.
Mapagkumbaba kaming sumasamong ipagkaloob Mo
na ipagadya kami sa matinding init na bumabagabag sa mga tao ngayon, humahadlang sa mga gawain
at nagdudulot nga panganib sa buhay at hanapbuhay.
Bumuhos nawa ang biyaya ng ulan
upang tubigan ang aming mga bukid at mga nanunuyong lupa,
mapigil ang mapipintong krisis sa tubig at kuryente
at patirin ang aming mga uhaw sa tubig araw araw.
Sa hudyat ng Iyong salita, sumusunod ang hangin at dagat, iunat Mo ang Iyong mapagpalang kamay
upang huminto na ang patuloy na pag-init ng panahon nang Iyong bayan ay maging abala sa mabubungang gawain at ang mga kabataan ay magpatuloy sa kanilang pag-aaral nang may kapanatagan at kaginhawahan.
Diyos naming maawaain at mapagbigay,
imulat Mo ang aming mga mata
sa kayamanan at kagandahan ng iyong mga nilikha
at hubugin Mo kaming maging mapagmalasakit para sa kalikasan.
Turuan Mo kaming maging magpagkakatiwalaang tagapangalaga ng Iyong nilikha upang mapakinabangan namin ito ng may pananagutan
at mapangalagaan ito laban sa pang-aabuso at paglulustay.
Ngayong panahon ng krisis, mahal naming Panginoon,
himukin Mo kaming lalo pang magbahagi, maglingkod at magmahal.
Mapagmahal na Diyos, Ama ng aming Panginoon Hesukristo, ipinagkatiwala Mo ang Bayang Pilipino
sa maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria,
dinggin Mo ang mga panalanging ipinamimintuho namin sa kanya para sa pagtataguyod niya sa amin, ang bayang labis niyang minamahal.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
Mahal na Birhen ng Guadalupe, ipanalangin mo kami.
Santa Rosa ng Lima, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Kasunod nito, naglalabas na rin ng liham circular ang Archdiocese of Manila, Diocese ng Cubao bilang panawagan sa mga parokya at institusyon ng simbahan na kanilang nasasakupan para sa ipatupad ang pananalangin sa pagkakaroon ng ulan.
Bago ito, una ring ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mananampalataya sa Cavite ang pananalangin dulot na rin ng epekto ng labis na init ng panahon sa mga panananim at kalusugan ng mga tao.
Una nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari pang tumaas ang heat index sa mga susunod na araw, kung saan sa kasalukuyan ay naitala na ang pinakamainit na heat index 53 degrees celcius.
Inanunsyo naman ng PAGASA na ngayong Mayo ay inaasahan ang pagpasok ng dalawang bagyo.