169 total views
Nanawagan ng pakikibahagi sa nakatakdang 2019 Midterm Elections ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa pamamagitan ng pagpaparehistro bilang mga botante.
Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng Kumisyon, Dapat na samantalahin ng bawat isa ang pakikibahagi sa halalan na bahagi ng pantay na karapatan ng bawat mamamayan sa isang Demokratikong Bansa.
Ipinaliwanag ng Pari na sa pamamagitan ng pakikilahok sa halalan ay mas madidinig at magkakaroon ng puwang ang mga kumento ng bawat isa sa paraan ng pamamahala ng mga halal na Opisyal.
“I think the participation in the Elections specially preparing themselves by registering as a voter will do more good especially for the country and then also for their opinion and for their feedback and comments to be properly counted, We are a Democratic Country and this is one way of enjoying our Democracy where we use our right for suffrage so it is good for young people to consider registering in preparation for the coming Election…” panawagan ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.
Naunang nanawagan ang Legal Network For Truthful Elections (LENTE) at Task Force Eleksyon para sa pakikibahagi ng mga mamamayan sa nakatakdang 2019 Midterm Elections sa susunod na taon.
Ayon sa Task Force Eleksyon batay sa inisyal na datos ng Commission on Elections o COMELEC, mahigit sa 60-porsyento ang bilang ng mga kabataang registered voters mula sa kabuuang 59.5-milyong rehistradong botante sa bansa.
Sa kabuuan patuloy ang paghikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.