187 total views
Nagmumula ang kapayapaan sa respeto at pag-uunawaan.
Ito ang ibinahagi ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña – chairman ng CBCP Episcopal Commission on Inter-religious Dialogue kaugnay sa paggunita sa tema ng panibagong paksa sa paghahanda para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.
Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat magmumula lamang ang kapayapaan sa respeto at pag-uunawaan ay nagsisimula ito sa pagiging bukas sa pakikipagdayalogo sa kapwa tao.
Dahil dito, binigyang diin ni Bishop Dela Peña na mahalagang palakasin pa ang pakikipag-ugnayan partikular na ang pakikipagdayalogo sa mga iba- ibang denominasyon at pananampalataya tulad ng mga Muslim, iba pang mga Kristyano at mga katutubo.
“We need to strengthen our dialogue with our Muslims brother and sisters, well not only with the Muslims but also with peoples of other faith and even among us Christians in terms of Ecumenism and our Indigenous Peoples dahil it is only on the basis of respect and understanding that we can build a lasting peace among ourselves, dialogue nurtures that understanding and respect…”pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam sa Radyo Veritas.
Tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples ang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.
Naunang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na mahalaga ang ‘dialogue’ para sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
Inihayag rin ng Kanyang Kabanalan Francisco na magkakaroon lamang ng tunay at ganap na kapayapaan kung ang puso ng bawat isa mayroong kapayapaan.