76,369 total views
Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao.
Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw.
Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung saan ‘umuga’ rin ang mga gusali gayundin ang katedral bagama’t wala namang nakitang pinsala.
“The earthquake was so strong. We felt it here in Davao. Thank God that there were no reports of major damages, injuries or deaths in our area,” ayon kay Archbishop Valles.
Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang 7.1 magnitude na lindol sa Davao Oriental kung saan intensity IV ang naramdaman sa Davao City.
Umaasa at ipinapanalangin naman ng arsobispo ang kaligtasan ng mga residente at nawa’y hindi ito magtala ng mga pinsala sa kabuhayan at sa buhay ng mga naapektuhan ng pagyanig.