418 total views
Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang pagpapatibay ng mga hakbang na tutulungang linangin ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataan.
Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman ng CBCP-ECY, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makamit sa lipunan ang mas maayos na trabaho.
“The state of unemployment of our young people is a cause of sadness and alarm for us all, the unequal opportunities are exacerbated by other factors such as conflicts, the pandemic, and of course poverty,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.
Panalangin ng Obispo ang paglikha ng pamahalaan o mga mayroong kakayanahan ng mga paraan at oportunidad para sa mga kabataang nais magkaroon ng trabaho.
“May those who are able and have the responsibility also provide opportunities and address the inequalities around us, Pope Francis reminds us that the youth is not simply the ‘future’, they are the ‘now’ of the society, they are our hope,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alarcon.
Ang pahayag ng Obispo ay matapos maitala ng United Nations (UN) ang datos na umaabot na ngayong 2022 sa 73-milyong kabataang nasa edad 15 hanggang 24-taong gulang ang walang trabaho sa buong mundo.
Bagamat mas mababa ang datos kumpara sa 71-milyon noong 2021 ay pinangangambahan parin ng UN na mas mataas ang kasalukuyang bilang kumpara sa 67-milyon noong 2019.