388 total views
Umapela ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa tagumpay at pagiging makabuluhan ng tatlong araw na Regional Assembly of Chaplains and Volunteers in Prison.
Ayon kay Bro. Rudy Diamante-Executive Secretary ng kumisyon, magsisimula ngayong araw ika-7 hanggang ika-9 ng Mayo ang pagtitipon na isasagawa sa Tagaytay City.
Tema ng Regional Assembly ay “Renewed Servant Leaders for New Evangelization” upang mapalalim ang kamalayan at adbokasiya ng mga Chaplains at Volunteers na tulungan ang mga bilanggo sa kanilang pagbabagong buhay.
Ayon kay Diamante, tinatayang aabot sa 140 ang mga dadalo sa pagtitipon mula sa iba’t ibang grupo at diyosesis sa bansa.
“Please pray for a meaningful and fruitful Regional Assembly of our Chaplains and Volunteers in Prison in Tagaytay City from May 7-9, 2018 with the theme Renewed Servant Leaders for New Evangelization. Around 140 participants from different dioceses & groups are joining.” apela ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.
Unang umapela ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ng karagdagang volunteers lalo na sa usaping legal dahil sa malaking kakulangan ng kumisyon sa mga abogado na maaring makatulong sa pag-aaayos ng mga kaso at papeles ng mga bilanggo.
Batay sa tala ng kumisyon umaabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer in prison sa buong bansa na nagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo.
Samantala sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology tinatayang umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa kung saan sa bilang na ito higit sa 31-libo ang nagmula sa National Capital Region.