212 total views
Walang katotohan na may inendorsong 10 kandidato ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Ito ang binigyan diin ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles kaugnay sa mga lumalabas na balita hinggil sa gaganaping halalan sa Lunes.
“The CBCP did not make any endorsement from any candidate particularly may mga names yun circulating ‘NO’ that is pure fake news,” ayon kay Arcbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas.
Dagdag pa ni Archbishop Valles; “In our very sensitive ang very crucial role as pastors and shepherds our role has not allow to do that we are not allowed to do that Bishops and Priests are not allowed to do that and therefore I did not know how it started such news circulating that the CBCP has endorsed a number of candidates not true at all please spread the news.”
Una na ring nilinaw ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang proseso ng pagninilay bilang paraan ng pagpili ng kandidato ang kaniyang mungkahi sa publiko na gamiting batayan at hindi nag-eendorso ng mga kandidatong ihahalal para sa halalan.
Read: Cardinal Tagle, walang ini-endorsong kandidato
Patuloy naman ang panawagan ng CBCP sa lahat ng botante na bumoto ng tama at ng nararapat.
Hiling din ni Archbishop Valles ang panalangin para sa pagkakaroon ng payapa, malinis at tapat na halalan.
Sa isinagawang plenary Assembly ng mga obispo noong Enero, naglabas ng panuntuan ang CBCP para sa mga botante bilang gabay ng mga botante sa pagpili ng mga pinunong ihahalal sa 2019 midterm elections na may titulong ‘Seek the Common Good’.