2,090 total views
Gamitin ang matatag na pananampalataya sa Diyos at pinag-aralan upang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok sa pagkamit ng pangarap.
Ito ang paalala ni Jose Allan Arellano – Executive Director ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ngayong school Year 2022-2023.
Kasabay ng pagbati, ipinagdarasal ni Arellano na maging matatag ang mga graduates na harapin ang anumang pagsubok upang makamit ang hangaring tagumpay.
“On behalf of the Catholic Educational Association of the Philippines, we congratulate you, graduates of Batch 2023, on reaching this significant milestone in your academic journey, as you move forward into the next phase of your life, we hope that you will continue to uphold the values that you have learned during your years in school, We encourage you to stay dedicated to your dreams and aspirations, to embrace challenges with courage and perseverance, and to let your faith guide your every decision in life. “
Panalangin din ni Arellano ang patuloy na paggagawad ng Panginoon ng biyaya ng karunungan sa mga graduates para sa tamang pagpapasya.
Ayon sa datos ng pamahalaan, aabot sa 1.2-milyong mag-aaral sa kolehiyo ang nagsisipagtapos taon-taon.
Habang 10% naman ng mga Senior High School Graduates ang hindi na nagpapatuloy sa kolehiyo at mas pinipiling magtrabaho.