1,785 total views
Pangungunahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Chairmanship ng Coordinating Council of Private Educational Association (COCOPEA) sa susunod na dalawang taon.
Ito ay sa pormal na pagpapasa ng pamamahala sa CEAP mula sa naunang tagapangasiwa na Philippine Association of Colleges and Universities (PACU).
Ang COCOPEA ay ang kalipunan ng mga Private Schools, College, Universities at Institutions na binubuo ng CEAP, PACU, Association of Christian Schools, Colleges and Universities (ACSCU), Philippine Association of Private Schools, Colleges, Universities (PAPSCU)at Tech-Voc Schools Association of the Philippines (TVSA).
Itinatakda rin ng COCOPEA ang mga polisiya na dapat sundin ng 2,500 member schools kasabay ng pagsisilbi bilang boses ng mga private school sa pamahalaan.
Ang Chairmanship ng COCOPEA ay umiikot kada dalawang taon sa limang miyembro ng kalipunan upang pantay na magkaroon ng pagkakataon pamunuan ang kalipunan ng mga pribadong paaralan at institusyon sa Pilipinas .
“COCOPEA Serves as the unifying voice of private education in the Philippines, it takes th elead in public policy development for the five educational associations that count 2,500 education and learning institutions among its Member-Schools, Colleges, Universities and Tech-Voc Institutions.” bahagi ng mensahe ng CEAP.
Sa tulong din ng formal turnover ay naniniwala ang CEAP na ipinapakita nito ang katatagan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga private schools at institution na kasapi ng COCOPEA.
Sa susunod na dalawang taon ay pangangasiwaan ang COCOPEA ng CEAP na pinamumunuan ni CEAP President Sr.Ma. Marissa Viri RVM.