185 total views
Umalma ang Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa pamahalaan sa pangangailangan ng mga pampublikong paaralan ng karagdagang 50,000 mga guro.
Ayon kay CEAP President Jun Erguiza, FSC na labis silang maaapektuhan sa hiring of teachers ng mga public schools lalo na nahihikayat na lumipat ang kanilang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Bilang pribadong sektor pinayuhan ni Erguiza ang pamahalaan lalo na at hindi napapakinggan ang kanilang hinaing noon pa na bigyan ng subsidiya ang mga pribadong sektor lalo na sa pagpapasuweldo sa kanilang mga guro.
“However, a corollary concern to teacher education and formation is the proclivity of the Government to employ “the best and the brightest” from the private sectors’ pool of resources. In the last Congress’ budget hearing, P 15.5 billion is being allotted in the hiring of 53,831 teachers,” bahagi ng pahayag ni Erguiza sa panayam ng Veritas Patrol.
Nangangamba rin ang CEAP lalo na sa iminungkahi ng Department of Education na pagtanggap ng mga hindi pasadong guro sa Licensure Examination for Teachers o LET na malaking kawalan mula sa pribadong sektor. “In addition to this concern, the Government is opening up spaces for non-LET passers who are graduates of Science, Math, Engineering and Technical Vocational courses with necessary Technical Education and Skills Development Authority certifications. Can you imagine where they will be getting their teachers? I can already foresee an exodus of our best and brightest moving to greener pastures,” giit pa ni Erguiza sa Radyo Veritas.
Samantala, ipagdiriwang CEAP ang ika-75TH National Convention nito simula September 28 hanggang 30, 2016 sa Waterfront Hotel, Cebu City na may temang “Towards 2021: New Spirit, New Fervor at 75.”
Ang CEAP ay binubo ng mahigit isang libong pribado at Katolikong paaralan sa buong bansa.