236 total views
Nangunguna ang Cebu City sa “worst city to drive in the world”.
Ito ang lumalabas sa 2016 Driver’s Satisfaction Index navigation app na Waze.
Kaugnay nito, nanawagan si Cebu Archbishop Jose Palma sa lider ng bansa at business community na magtulungan upang masolusyunan ang problemang ito na nagpapabagal ng takbo ng ekonomiya at kalakalan sa kanilang lalawigan.
Inihayag ni Archbishop Palma na nangangailangan ng komprehensibo at konkretong proyekto na tutugon sa problema sa trapiko, pagbaha at basura sa buong Mega Cebu.
“I subdue myself sa Mega Cebu that means it’s an association of leaders sa Cebu, politicians and businessmen, hoping to address the various issues. Sana we could work out more comprehensive and integrated solution to traffic, flooding even garbage collection. Kasi we know its consequence in the life of people. We believe sa experts studies traffic situations, pero more than just study we need political will and also cooperation from all sectors of government. It’s bad and it is sad,” pahayag ni Archbishop Palma sa panayam ng Veritas Patrol.
Sinabi naman ni Cebu Transportation Office head Atty. Rafael Yap na dinagdagan na nila ang mga traffic enforcer sa lungsod.
Inaasahan rin ni Yap na makakatulong ang Cebu Bus Rapid transit at ang proyekto ng ikatlong tulay para maibsan ang congestion sa Cebu City.
Nag – improve naman sa listahan ang Mega Manila na naging “worst City to drive in” noong isang taon.
Nauna na ring iminungkahi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na paunlarin at ayusin ang mass transport system sa bansa upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga lungsod.