429 total views
Suportado ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) ang panawagan ng United Nations sa mga pamamaraan ng pagtitipid at wastong paggamit ng tubig lalo na sa mga tahanan.
Inihayag ng CEED na hindi dapat balewalain ng mamamayan ang mga mapaminsalang industriya lalo na sa mga kumpanyang nagsasagawa ng “extractive and dirty energy”, na nagdudulot ng panganib sa lupa, dagat, at iba pang yamang tubig.
“By bringing pollution to these bodies of water through run-off wastes, water intake for cooling and other operations, these industries deprive communities in the Philippines and across the globe their right to access clean water while also killing off marine ecosystems,” pahayag ng CEED.
Inihalimbawa ng CEED ang Verde Island Passage (VIP) na sakop ang mga lalawigan ng Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon, na kilala bilang sentro ng “marine shore fish biodiversity”.
Nanganganib itong masira dahil sa banta ng patuloy na operasyon ng mga fossil gas plants at malaking pipeline ng bagong Liquified Natural Gas (LNG).
Maliban dito, nakakaapekto rin sa mga yamang tubig ang nilalabas na kemikal mula sa mga coal-fired power plants, maging sa mga lugar ng minahan, partikular na sa Semirara Island sa Antique, Didipio sa Nueva Vizcaya, at iba pa.
Iginiit naman ng CEED na ang pagkamit ng layunin sa pagkakaroon ng malinis na tubig para sa lahat ay tagumpay sa pagtulong sa mga komunidad.
“This we must do not only by conserving and managing our use of water, but also by ending destructive industries and making way for genuinely sustainable practices, such as transitioning to clean energy from renewables,” ayon sa CEED.
Nito lamang Marso 22 ay ipinagdiwang ang World Water Day na layuning paigtingin ang kamalayan ng dalawang bilyong populasyon sa buong mundo na nabubuhay nang walang maayos na mapagkukunan ng malinis na tubig.
Nilalayon din nito na pagtuunan ang pagsisikap na makamit ang UN Sustainable Development Goal o SDG No. 6-water and sanitation for all by 2030.