364 total views
Mariing kinondena ng Couples For Christ Foundation for Family and Life o CFC-FFL ang madugong pagpaslang sa tatlong Pari ng Simbahang Katolika.
Ayon sa grupo, sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas kung saan malaki ang naging bahagi ng Simbahan dahil sa pagiging Martir ng tatlong paring sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora, ay nagdadalamhati ang Inang Simbahan dahil sa nakababahalang pagpaslang sa kanyang mga Pastol.
“Today has become a day of mourning for the Bishops and the Clergy. We, the Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), a duly recognized Catholic community of the lay faithful, stand in solidarity with our Bishops and the Clergy, for the alarming gruesome killings of three Catholic Priests: Fr. Richard Nilo is the third Catholic priest to be murdered in the recent months. Fr. Tito Paez in December 2017, Fr. Mark Anthony Ventura in May 2018.” Bahagi ng pahayag ng grupo.
Iginiit ng CFC-FFL na labis na ang ginagawang paglapastangan sa Simbahang Katolika at ang mga paring pinaslang ay malinaw na walang kinalaman sa Iligal na droga o anumang Krimen na lumalaganap sa lipunan.
Naninindigan ang grupo na hindi mananahimik ang Simbahan sa Kawalang Katarungang umiiral ngayon sa Lipunan.
Anila, ang misyon ng bawat mananampalataya na pagpapalaganap ng turo ng Panginoong Hesukristo ay hindi lamang dapat sa pamamagitan ng mga salita kundi sa pamamagitan ng mga gawa.
“We cannot remain silent as we preach the mission of Our Lord Jesus Christ and see all these savage acts happening to our country. The Gospel of God’s love for man, the Gospel of the dignity of the person, and the Gospel of Life are a single and indivisible Gospel.” Dagdag pa ng grupo.
Matatandaang noong Disyembre 2017 ay pinaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng mga hindi pa nakikilalang salarin at wala pang isang taon ay sinundan agad ito ng pagpatay kina Rev. Fr. Mark Ventura noong Mayo 2018 at Rev. Fr. Richmond Nilo ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon.