Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHARIS national convention, inaasahang magpapaigting sa charismatic communities sa bansa

SHARE THE TRUTH

 11 total views

Umaasa ang opisyal ng CHARIS Philippines na mas mapaigting ng mga charismatic communities sa bansa ang pagiging kaisa sa misyon ng simbahan.

Ayon kay Fe Barino, national coordinator ng grupo, nawa’y magdulot ng magandang bunga sa kristiyanong pamayanan ang matagumpay na 3-day CHARIS National Convention at higit na maipalaganap ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“After this conference we really expect that we will be able to share the gifts of baptism as we were empowered during the commissioning rite, that we go and spread God’s love through the charismatic renewal,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Barino na pangunahing misyon ng mga charismatic communities’ ng pagpapalaganap ng ‘baptism of the Holy Spirit’ alinsunod sa atas ni Pope Francis na dapat maranasan ng bawat binyagang kristiyano ang mga kaloob ng Espiritu Santo nang itatag ang Catholic Charismatic Renewal International Service – National Service of Communion o CHARIS noong 2019.

“I pray that you continue the mission that God entrusted to us in your respective parishes and dioceses, spread the baptism of the Holy Spirit, para sana lahat na baptized Christians will be able to experience baptism of the Holy Spirit it’s not necessarilly mean that you will become member of any charismatic communities,” ani Barino.

Paliwanag nito na tinanggap ng bawat kristiyano ang Espiritu Santo sa sakramento ng binyag ngunit kadalasang hindi ginagamit ang kaloob na mga biyaya nito kaya’t ito ang panganuhaning gawain ng charismatic renewal na muling pag-alabin ang Banal na Espiritu sa bawat tao.

Dahil dito inaanyayahan nito ang kristiyanong pamayanan na damhin ang pagpapala ng Espiritu Santo sa mga gawain ng charismatic renewal sa kani-kanilang mga parokya.

“I would really encourage you to attend or experience the Life in the Spirit Seminar in parishes or dioceses wherever you are,” dagdag pa ni Barino.

Kasabay ng pagtapos sa kauna-unahang CharisCon ay inanunsyo ni Barino ang susunod na pagtitipon sa 2027 o kada ikatlong taon habang isasagawa sa pagitang mga taon ang regional conventions para mabigyang pagkakataon ang mga hindi makadadalo sa national conventions.

Pinangunahan ni El Shaddai Spiritual Director, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang closing mass sa tatlong araw na pagtitipon ng mga charismatic communities na dinaluhan ng humigit kumulang 2, 500 delegado.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 4,776 total views

 4,776 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 12,112 total views

 12,112 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 19,427 total views

 19,427 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 69,751 total views

 69,751 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 79,227 total views

 79,227 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top