1,023 total views
Nagtipon-tipon ang iba’t-ibang Charismatic movement sa Roma sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Catholic Charismatic Renewal.
Ayon kay Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, magsasagawa ng prayer vigil ang mga charismatic groups sa Sabado ng gabi sa Circo Maximus.
Kasunod nito sa linggo ng umaga ay pangungunahan naman ng kanyang kabanalan Francisco ang banal na misa sa Vatican para sa Pentecost Sunday at anibersaryo ng Catholic Charismatic Renewal.
“Ngayong Pentecost Sunday, yung Holy Spirit ay 50th Anniversary din ng Charismatic Movement, kaya napakaraming Charismatic groups dito ngayon sa Vatican kasi mag ce-celebrate ito kasi Charismatic, Life in the Spirit, kaya Pentecost Sunday,”bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.
Ayon sa International Catholic Charismatic Renewal Services, umaabot na sa mahigit 200 bansa sa buong mundo ang naabot ng kanilang karisma, at mahigit 120-milyong mananampalataya na ang miyembro ng iba’t-ibang Charismatic groups.
Ang Charismatic Community ay itinatag na hango sa salitang griyego na “Charisma” na ang ibig sabihin ay “biyaya” at inihahayag nito ang biyayang nagmumula sa Espiritu Santo.