27,511 total views
Sinuportahan ng Diyosesis ng Antipolo ang mga programa ng Caritas Manila upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mamamayan hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba pang bahagi ng bansa.
Tinukoy ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang isinagawang Caritas Manila- Alay-Kapwa telethon 2024 na inilalaan sa mga programa ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pondong malilikom.
Sinabi ng Obispo na ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagsasabuhay ng pagkakawanggawa na nagpapakita ng pagmamahal.
Ayon kay Bishop Santos, sa bisa ng pagtulong ay nai-aangat sa pamamagitan ng social arm ng Archdiocese of Manila ang kalidad ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.
“This, Caritas Manila Telethon 2024 thru Radio Veritas 846 is act of love, it is charity, charity is love, with this we show how much we care, we are so concerned with the welfare and wellbeing of our brothers and sisters, we let them feel and that we are one with them, we help, we give them hope, we are calling and encourage you, dearest listeners, We share our goods, show our goodwill and God surely will be gracious to us,”
Tiniyak rin ni Bishop Santos ang pananalangin para sa pagtatagumpay ng mga inisyatibo ng Caritas Manila nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap.
Noong nakalipas na taon, tinugunan ng Caritas Manila at Diocese of Antipolo Social Action Center ang pangangailangan ng naiwang pamilya ng 27-katao na namatay sa paglubog ng pampasaherong bangka sa Talim Island Binangonan Rizal.
Kasunod nito ang pamamahagi din ng relief assistance sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Egay noong 2023 sa mga bayan ng Binangonan, Angono, Cardona at Montalban sa lalawigan ng Rizal na nasasakupang ng Diyosesis ng Antipolo.
Samantala, umabot sa 3.3-milyong piso ang nalikom na pondo ng Caritas Manila sa pagtatapos ng Alay-kapwa Telethon 2024.
Ilalaan ang nalikom na pondo sa mga programa ng Caritas Damayan na nakatuon sa Disaster Response Program, kabilang na ang pagpapakain sa mga biktima ng malunutrisyon, pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap