Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Charter change, tinututulan ng mga pari, mambabatas at dating opisyao ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 2,380 total views

Nanindigan ang mga Pari, mambabatas at dating opisyal ng pamahalaan na patuloy na alalahanin ang mga aral na itinuro ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Ito ay sa isinagawang special episode ng programang Veritasan ni Father Jerome Secillano sa paggunita ng ika-37 taong anibersaryo ng kauna-unahang EDSA People Power na tinaguriang ‘Bloodless Revolution’.

Ayon kay Father Danilo Pilario – Dean ng St.Vincent School of Theology, mahalaga ang naging papel ng simbahang katolika higit na sa pangunguna sa mga pagkilos upang maalis sa pwesto ang diktaduryang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“37-taon na ang nakakaraan marami sa atin ay nakatayo na sa lugar na ito bago pa man nila ginawa ang simbahang ito banal na ang lupang kaniyang kinatatayuan, dito natin pinigil ang mga tangke na kanilang ipinadala upang lipulin ang kanilang bayan, wala tayong sandata noon, ang dala-dala natin ay ang mga krusipiyo, mga rebulto ni Maria, Santo Niño,” ayon sa pahayag sa Veritas ni Father Pilario

Binigyang diin naman ni Proffessor Edmundo Garcia – Framer Commissioner ng 1987 Constitutional Commission, sa mga kinakaharap na problema ng Pilipinas sa kasalukuyan ay nararapat balikan ang mga nakapaloob sa 1987 Constitution.

Ito ay upang maisulong muli ang pagkakaisa ng mga Pilipino na mabago ang mga sistema sa Pilipinas na hindi nakakatulong sa mga mamamayan.

“People wanted a constitution that was free from politacal patronage and it’s very important to remember that because ngayon again, they want to change the constitution but it is very important to remember that we have so many provision in the constitution that have not been truly implemented, political dynasty is one of them,” ayon naman sa pahayag ni Garcia sa programa.

Ginamit naman ni Rep.Edcel Lagman SR, ang pagkakataon upang iparating ang pagtutol sa pagsusulong ng Charter Change.

“Itong Charter Change ay hindi naman mabibigyan ng solusyon ang grand await inflation rate, hindi naman mabibigyang ng solusyon ang ating escalating poverty, hindi mabibigyang solusyon ang kakulangan ng pagkain o lack of food security at hindi naman ito solusyon upang maiwasan natin o mabigyan natin ng lunas ang posibleng darating na economic problems,” ayon naman sa pahayag ni Lagman sa Veritasan.

Naunang mensahe ni Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs nagsisilbing paalala ang EDSA Shrine o ang Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin ng mga Pilipino 37-taon na ang nakakalipas.

Kasabay ito ng panghihimok ng Obispo na ipagpatuloy ang pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na makamit ang kapayapaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 70,926 total views

 70,926 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 78,701 total views

 78,701 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 86,881 total views

 86,881 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 102,488 total views

 102,488 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 106,431 total views

 106,431 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 2,650 total views

 2,650 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 10,789 total views

 10,789 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,279 total views

 12,279 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top