1,291 total views
Kapanalig, ngayong mas matindi ang laban sa droga ng bansa, magiging maigting din kaya ang aksyon laban sa child labor sa Pilipinas? Ang child labor kapanalig, lalo na ang mga trabaho na naglalagay ng bata sa matinding panganib ay isang uri rin ng pagpatay. May mga bata pa nga na pinipilit na magdroga upang manataling gising at alerto kapag nagtatrabaho.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, may 5.492 million working children ang ating bansa. 58.4 percent o mga 3.210 million dito ay tinuturing na child labor. Mga 2.9 million sa kanila ay nagtatrabaho sa mga hazardous working conditions.
Ang kahirapan ang nagtutulak sa maraming pamilya na magpraktis ng child labor. Nasa 26.3% ang poverty incidence sa ating bansa, base sa first quarter of 2015 official data. Ang subsistence incidence naman, kapanalig, ay nasa 12.1%.Ang subsidence incidence ay ang bilang ng mga Pilipino na halos wala ng makain.
Ayon sa pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labour Education and Research Inc (EILER) and the Quidan Kaisahan (QK) ng pinondohan ng European Union noong 2015, maraming mga kabataan na sa murang edad na kahit limang taon pa lamang ay nagtatrabaho na sa sakada, mga minahan, at mga factories.
May mga pagsasaliksik na nagpapatunay na maraming bata ang ginagamit bilang manggagawa sa industriya ng gaya ng sugarcane o tubo, saging, kopra at niyog, mais, mga fashion accessories, pangingisda, pagmimina ng ginto, gold, babuyan, paputok, at pati pornograpiya.
Kapanalig, dapat kasing lakas ng pwersa natin sa paglaban sa droga ang laban din natin sa kahirapan at child labor. Marami ring mga nabibikitimang bata dito, at nawawalan din sila ng kinabukasan. Hindi kaya ng mga bata lumaban sa isang praktis at sistema na nakamulatan nila dahil sa kahirapan.
Ang PSeanlipunang Turo ng Simbahan ay laging nagpapa-alala sa atin na bigyan ng mas natatanging kalinga ang pinakamahina at pinakamaralita sa ating lipunan. Sa atin, sila ay mga walang muwang na bata, na isa sa pinakamahirap na sektor ng bayan.
Ang pagbibigay ng natatanging kalinga sa maralita o preferential option for the poor ay parehong obligasyon at bokasyon na dapat natin tanggapin at isabuhay. Ayon nga sa Justice in the World mula sa World Synod of Catholic Bishops: Listening to the cry of those who suffer violence and are oppressed by unjust systems and structures, and hearing the appeal of a world that by its perversity contradicts the plan of its Creator, we have shared our awareness of the Church’s vocation to be present in the heart of the world. Ang ating pagmamahal sa kanila ay pagdadala na rin ng presensya ng Panginoon sa ating mundong pati inosente ay binibiktima. Paalala ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si: Our world has a grave social debt towards the poor… Sinangla na natin kapanalig, ang buhay ng mga child laborers sa ngalan ng kaunlaran.