23,117 total views
“Our only recourse is to hold on to that rule of law, under the UN Charter.”
Ito ang binigyan diin ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa patuloy na ginagawang pananakot ng China sa Pilipinas.
Kabilang na ang ginagawang pambobomba ng tubig sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea, at pagbabawal sa mga Filipino na mangisda.
Sa panayam ng programang Veritasan, patuloy na iminumungkahi ni Carpio sa pamahalaan na bumalik sa arbitral tribunal dahil sa hindi pagsunod ng China sa UNCLOS arbitral ruling noong 2016.
“My recommendation to the government dapat bumalik na tayo arbitral tribunal para magset na ng ground rules paano yung tatlong bansa mangisda doon tapos kapag hindi sumang ayon ang China we have another arbitral award the world can rally around kasi ngayon the world is rallying behind the arbitral award of July 2016. Patungan nang patungan ng mga arbitral award ‘yan, para mas maraming bansang susuporta sa atin. Kasi we follow the rule of law,” ayon pa sa dating mahistrado.
Ayon kay Carpio, base sa arbitral award of July 2016, ang Scarboroug Shoal ay common fishing ground para sa mga Filipino, Chinese, at Vietnamese kaya’t hindi maaring itaboy ng China ang mga Filipino.
Iginiit pa ng dating mahistrado ng Kataastasang Hukuman na hindi maaring ipatupad ng China ang sinasabing gentlemans agreement sa pagitan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping, dahil ito ay illegal at unconstitutional.
“So ang agreement, well it supposed to a verbal yung kasunduan na pinasok ni President Duterte talagang dis-advantegous sa atin, at saka that is also unconstitutional kasi wala naman siyang power to wave are sovereignty or sovereign rights no, kasi anyway that must be ratified by congress in a treaty,” paliwanag pa ni Carpio.
Ayon pa kay Carpio, walang ibang dapat gawin ang Pilipinas kung hindi dalhin ang usapin sa international court upang makuha ang simpatya at suporta ng buong mundo.
Iginiit pa ng dating opisyal ng pamahalaan na wala rin namang kakayahan ang Pilipinas sa paglaban sa China- na siyang may pinakamalaking Naval force sa buong mundo.
Sinabi pa ni Carpio; “So, we can ask the rest of the World to support us, China cannot afford to be isolated eventually, kasi China to survive needs to export and needs to import from many countries. Tsaka China wants to be respected. Eh paano sila i-respect pag the entire world is against them.”
Pamboboma ng tubig sa watawat ng Pilipinas
“That is only a threat of words. But according to the US, nagtestify si Admiral Aquilino sa Congress, ‘pag may namatay na coast guard personnel o personnel of the Philippines that is a ground for invoking the mutual defense treaty. That is equivalent to an armed attack already. So that is a message to China na pag itutuloy nila yan may mamamatay sa atin, we can invoke the treaty na,” ayon pa kay Carpio.
Paliwanag pa ni Carpio, “They are aware, if their water cannons kill, magkakaproblema. The last thing they want is to give the US a legal excuse to intervene in this dispute.”