227 total views
Inihayag ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, National Coordinator ng Chinese Apostolate of the Philippines na dapat pasalamatan ang Panginoon sa mga biyayang kaloob sa bawat mananampalataya.
Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year sa ika – 25 ng Enero.
Ayon kay Bishop Jaucian, hindi magtatagumpay ang tao kung walang patnubay mula sa Diyos sapagkat ito ang nagbibigay ng biyaya sa mamamayan.
“Without God we are nothing, in this Chinese New Year we thank God for all the blessings because God is the only source of blessings,” pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas.
Dalangin ng Obispo ang kaligtasan, mabungang pamumuhay at matamo ng pamayanan ang kapayapaan.
“May the blessings of God keep pouring in our hearts blessings of good health, peace, joy, happiness and prosperity,” sinabi ng Obispo.
Ika – 26 ng Enero isasagawa ang misa pasasalamat sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Binondo Manila sa pangunguna ni Bishop Jaucian.
Samantala, dalangin ni Pope Francis sa pagdiriwang ng Chinese New year na matutuhan ng bawat isa partikular ng mga Chinese na isabuhay ang buong pusong pagtanggap ng mga migrante, karunungan at paggalang sa bawat mamamayang nakakasalamuha sa lipunan.
Hiling ng Santo Papa na sa pagdiriwang ng Chinese New Year na ipanalangin ang kapayapaan, pagkakaisa ng mga bansa at pakikipagdiyalogo na magandang regalo sa buong mundo.