236 total views
April 7, 2020, 1:55PM
Ikinagalak ni Father Christian Ofilan, parish priest ng Parokya ni San Juan sa Homonhon ang pagtugon ng Department of Environment and Natural Resources kanyang panawagan na ipatigil ang nakatakdang pagdaong ng isang cargo vessel mula sa China sa isla.
Ayon sa pari, ilang araw ang naging pangamba ng mamamayan sa parokya dahil sa pagpasok ng cargo vessel mula China na pinagmulan ng coronavirus disease.
“Nagpapasalamat kami in behalf sa mga tao dito lalo na ang mga parishioner na nangamba ng ilang araw dahil sa pagpasok ng chinese vessel with chinese nationals on board. Nagpapasalamat kami kay Bishop Varquez na nakipag-ugnayan kay DENR Secretry [Roy] Cimatu na naging dahilan ng pagpapalabas ng order for the stopping of operation nitong cargo vessel.” pahayag ni Fr. Ofilan sa Radyo Veritas.
Ang cargo vessel na MV “VW” Peace ay nagmula sa Macau at dumaong sa Davao bago ito nakatakdang dumaong sa Cantilado Pier sa Homonhon Island.
Kaugnay nito, naglabas ang walong kapitan ng barangay sa isla ng isang resolusyon na nagpapatigil sa operation ng cargo na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mamamayan.
Pinuri naman ni Yolly Esguerra, National Coordinator of the Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI) ang ginawa ng parokya at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa kanilang mariing pagtutol.
“The resolution is a good sign that even in a time of pandemic, the eight (8) barangay leaders, the Municipal Government of Guiuan, and the Provincial Government of Eastern Samar have worked together in decisively weighing the importance of their community-members’ health rights over mining. That the people are united in asserting their health rights sends a flicker of hope amidst the sea of chaos and losses for many in Luzon are troubled by COVID-19 pandemic, they are all united in asserting their health rights.” Pahayag ni Esguerra.
Ayon naman sa Provicial Ordinance No. 09, series of 2005, mahigpit na ipinagbabawal ang makakihang pagmimina sa Homonhon Island at sa buong probinsya ng Eastern Samar.