319 total views
Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na mahalagang makipagtulungan ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs sa Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia sa paghingi ni outgoing International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization sa Pre-Trial Chamber ng ICC upang maipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga karahasang naganap sa Pilipinas.
Ayon Atty. De Guia, bilang tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa bansa naniniwala ang kumisyon na mahalaga ang partisipasyon ng pamahalaan sa paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa lahat ng mga biktima ng iba’t ibang human rights violation sa bansa.
“CHR, as the country’s independent national human rights institution, continues to advise the present Philippine government to participate in this process of seeking truth and justice for the human rights violations committed in the country.” pahayag ni de Guia.
Paliwanag ni Atty. De Guia, dapat na maipamalas ng kasalukuyang administrasyon ang transparency at kahandaang makipagtulungan upang mapanagot ang mga nasa likod ng mga serye ng karahasan na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga
“There is a need for the present administration to demonstrate genuine openness, transparency, and cooperation in its engagement with human rights investigation and accountability mechanisms, including that of the UN system, in improving the human rights situation in the country.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.
Una ng pinuri ng CHR ang desisyon at kahandaan ang panibagong liderato ng Philippine National Police na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice para sa mga kaso ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan kung saan tinatayang aabot sa 30,000 ang nasawi.
Samantala, binigyang diin naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC hanggang matapos ang termino nito sa June 30, 2022.
Sa kabila nito nanindigan si Bensouda na bagama’t naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019 ay nananatili pa rin ang hurisdiksyon ang ICC sa mga krimeng nangyari sa bansa noong panahong saklaw pa ito ng korte mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.
Matatandaang mariin ang pagkundina ng Simbahang Katolika sa bansa sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.