394 total views
Nagpahayag ng pangamba ang Commission on Human Rights sa epekto ng kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa pagiging lantad ng mga Filipino sa human trafficking sa lipunan.
Ito ang ibinahagi ni CHR Spokesperson Atty Jacqueline de Guia sa paggunita ng World Day Against Trafficking in Persons ngayong ika-30 ng Hulyo.
Ayon kay De Guia, dahil sa kawalan ng pag-asa sa sitwasyon ng bansa mula sa pandemya ay mas lantad ang mga mahihirap na maging biktima ng mapagsamantalabg human traffickers.
“Human trafficking is a reprehensible crime that preys on the most vulnerable and thrives during uncertain times. The Covid-19 pandemic exacerbated the plight of many vulnerable Filipinos as traffickers see this as an opportune time to exploit their desperation.” pahayag ni de Guia.
Tnukoy ni De Guia ang pagtaas ng kaso ng cybersex trafficking at online sexual exploitation ng mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan maraming pamilya ang nawalan ng hanapbuhay at mapagkakakitaan.
“The community quarantine, which necessitated the closure of major economic sectors, has resulted in loss of livelihood of Filipinos—with many more sinking deeper to extreme poverty as businesses continue to close and employees are forced to be laid-off. The desperate situation, coupled with confinement at home, has led to the increase in cybersex trafficking and online sexual exploitation of children (OSEC)…” Dagdag ni de Guia.
Naunang tinukoy ng United Nations Children’s Fund (Unicef) ang Pilipinas bilang “global epicenter of the live-stream sexual abuse trade” kung saan isa sa bawat limang batang Filipino ang lantad sa online sexual exploitation.
Patuloy namang umaapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat mananampalataya at iba’t ibang mga institusyon na magsanib pwersa upang malabanan ang patuloy na suliranin ng human trafficking at maprotektahan at matulungan ang mga biktima nito.